ARESTADO ang walong drug personalities at nakumpiska ang humigit kumulang 100.69 gramo ng shabu at pitong gramo ng marijuana na may kabuuang halaga na aabot sa ₱685,532.00 matapos ang ikinasang 24-oras na anti-illegal drug pperations ng Rizal PNP.
Sa report mula sa tanggapan ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal PNP, sa nagdaang 24-oras, 7 operasyon ang naitala laban sa iligal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng walong personalidad at makumpiska ang nasa ₱685-K halaga ng illegal na droga.
Ayon kay Col. Maraggun, malaking bahagi ang paglulunsad ng progam “Patrulya ng Bayan,” kung saan katuwang ng kapulisan ang pamayanan upang sugpuin ang kriminalidad na nagresulta sa mga matagumpay na operasyon sa probinsiya.
Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units habang ang mga nasabat na ebidensiya ay isusumite sa Rizal Forensic Unit para sa Evidence Examination.
Kasalukuyan namang inihahanda ang kaukulang dokumentasyon para sa isasampang mga kaso laban sa suspek na paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.”