33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Natatanging kababaihan ng NCRPO tumanggap ng parangal

BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong taon, pinarangalan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ilang miyembro nito sa Metro Manila dahil sa kanilang tapang, bagong ideya at di-natitinag na katapatan sa serbisyo na ginanap sa flag-raising ceremony sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kahapon, Marso 4.

Dumalo sa nasabing parangal si Daphne Oseña-Paez, press briefer, Presidential Communications Group, at kilalang tagapagtaguyod sa proteksyon at karapatan ng mga bata at nagsusulong sa kalusugan at kapakanan ng mga ina, sa ilalim ng tema na “We for Gender Equality and Inclusive Society, Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!”

Binigyang parangal si JO1 Florence Reblano Canseco ng “Medalya ng Natatanging Gawa” bilang pagkilala sa kaniyang natatanging pagganap at pagbuo ng mga polisiya para sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Correction (BuCor).

“Medalya ng Kagalingan” naman ang ipinagkaloob kina P/Lt. Col. Leonie Ann Apaling Dela Cruz ng Quezon City Police District (QCPD), P/Cpl. Anna Marie Bernardo Duran ng Eastern Police District (EPD), at Patrolwoman Jay-Sa Pagulayan Sebastian ng Southern Police District (SPD) dahil sa kanilang pinaigting na manhunt operation na nagresulta sa pagka-aresto at narekober na mga iligal na droga.

BASAHIN  Record breaking: 305 UP Summa cum laude

Si P/Lt. Eunice Salvador Salas naman ay nakatanggap ng “Medalya ng Kasanayan” at kinilala sa kaniyang mahalagang paglilingkod bilang hepe NCRPO Public Information Office kung kaya’t naisakatuparan ang mga programa sa pakikipag-ugnayan sa kumunidad sa pamamagitan ng tri-media.

Ginawaran naman si P/Maj. Aleli Cuyan Buaquen ng “Medalya ng Kasanayan” dahil sa kaniyang dedikasyon sa tungkulin bilang Administrative Officer ng Office of the Regional Director dahilan kung bakit naisasaayos ng mahusay ang mga miting at appointment ng Regional Director.

Kinilala naman ang mabuting halimbawa na ipinakita nina P/Cpt. Mizel Pagdato Vargas ng RMFB, P/Cpt. Patricia Cano Padrigon ng RID, P/Cpt. Arlene Ramos Domingo ng RIDMD, at P/Cpt. Jogelyn Calizo Galvez upang maisakatuparan nila ang kanilang gawain at responsibilidad at pinagkalooban ng “Medalya ng Kasanayan.”

Kasabay nito, ipinagkaloob din ang “Medalya ng Papuri” kina P/Cpt. Flordiza Lim Nuñez, P/SSg. Jhoanna Joy Antonio Villaroz ng Manila Police District (MPD), Pat Margielyn Gene Aquino Quicho ng Northern Police District (NPD), at non-uniformed personnel na si Jayceebell April Baba Geronga.

BASAHIN  5 sugarol nahulihan ng baril, iligal na droga sa Rizal

“Huwag nating kalimutan na sa araw-araw ninyong pagtatrabaho, mga sakripisyo ninyo para sa komunidad upang maging ligtas kami laban sa mga masasamang-loob, pangalagaan ang kalikasan at muling itayo an gating bansa bilang ang ‘Bagong Pilipinas,’ ayon kay Oseña-Paez.

“Kayo, na mga kababaihan ng Philippine National Police (PNP) ay tulad din ng ibang babae na nangangailangan ng atensyon, mabuting kalusugan, pahinga, oras sa pamilya at sa sarili ay karapat-dapat sa papuri,” dagdag pa ni Oseña-Paez.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA