Beteranang aktres na si Jaclyn Jose, namaalam na

0
Jaclyn Jose, namaalam na

TULUYAN nang namaalam ang award-winning actress na si Jaclyn Jose nitong Marso 3, sa edad na 59.

Kinumpirma ito ng PPL Entertainment, Inc., ang management company ng aktres at ayon sa kaniyang anak na si Andi Eigenmann o Mary Jane Guck sa totoong buhay, namatay ang kaniyang ina sa heart attack o myocardial infarction.

“It saddens us to inform everyone of the untimely passing of Miss Jaclyn Jose… The Guck and Eigenmann families are requesting for everyone to please pray for the eternal repose of Miss Jaclyn Jose and for them to be allowed the respect and privacy to mourn her passing, and navigate these difficult times,” ayon sa PPL.

Samantala, nagtungo agad si Coco Martin kasunod si Cherry Pie Picache sa bahay ni Jaclyn sa Quezon City matapos mabalitaan ang insidente.

Hiniling ni Coco na magkaroon nang masusing imbestigasyon ang pagkamatay ng aktres.  Ayon sa sketchy report, nahulog diumano sa hagdan mula sa second floor si Jaclyn na naging sanhi ng kamatayan nito.

Si Jaclyn ang kaunaunahang Filipino na tumanggap ng Best Actress Award sa 2016 Cannes Film Festival sa kanyang papel sa pelikula ni Brillante Mendoza na “Ma’ Rosa”.

Naiwan ni Jaclyn (aka Mary Jane Guck) ang dalawang anak—sina Andi Eigenmann, at anak na lalaking si  Gwen Garimond.

Ang apelyedong “Guck” ay matatagpuan sa USA, Canada, at UK.  Ito ay pinaniniwalaang nagmula sa Bavariang salita para sa “palaka,” mula sa Middle High German guck ‘cuckoo.’  Samantalang ang apelyedong “Eigenmann” ay nagmula sa  Graubünden, Switzerland.

Samantala, bukod sa Cannes Award, tumanggap din si Jose ng limang awards mula sa Gawad Urian,  dalawa sa Luna Awards, isang FAMAS, at isang MMFF award. 

Nahasa ang kanyang acting talent sa ilalim ng mga batikang director na sina Lino Brocka at Chito Roño.  Nakikiramay po ang BraboNews sa pamilya ni Miss Jaclyn Jose.

About Author

Show comments

Exit mobile version