33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

2 high value tulak nasakote sa ₱476-K shabu sa Pasig

ARESTADO ang dalawang lalaki na listed bilang high value individual sa ikinasang drug buy-bust operation ng Pasig City Police Station at makuhanan ng aabot sa ₱476,600.00 halaga ng shabu ang nakumpiska, Miyerkules ng madaling araw sa Barangay Rosario, Pasig City.

Sa report na nakalap mula sa Pasig City Police Station sa pamumuno ni PCol. Celerino Sacro, Jr., kasama ang  Pasig City Anti-Drug Abuse Office (PCADAO) ikinasa ang buy bust bandang 3:15 Miyerkules ng madaling araw na kung saan nahuli sina alyas “Ebot”, 46-anyos,  high school graduate at alyas “Kalbo”, 37-anyos, kapwa residente ng Brgy. Rosario, Pasig City.

 Base sa imbestigasyon, nagsagawa ng serye ng surveillances ang Pasig Police hanggang sa magpositibo ang mga tauhan ng  Station Drug Enforcement Unit at Rosario Police Sub-Station (SS7), katuwang ang PCADAO at nakipagtransaksyon sa pagbili ng illegal na droga at nagkita sa kahabaan ng C. Raymundo Avenue, Brgy. Rosario, Pasig City.

BASAHIN  Senior citizens sa Navotas City, makakatanggap ng ₱1,000 birthday gift

Nakumpiska mula kay “Ebot” ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet habang kay  “Kalbo” ay nasa 70 gramo ang nakuga na nagkakahalaga ng ₱476,000.00 at buy-bust money at 10 piraso ng pekeng ₱1,000.

Dinala ang mga nakumpiskang ebidensya sa EPD-Forensic Unit, Mandaluyong City para sa drug test at laboratory examination.

Kasaluluyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig custodial facility at sinampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 and 11 Article II of R.A. No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“The Pasig PNP will continuously intensify its campaign against illegal drugs and lawlessness. The arrest of the high value individual drug suspects in Pasig City manifest the PNP’s strong commitment and dedication against the proliferation of illegal drugs activities in our area of responsibility,” ayon kay Col. Sacro.

BASAHIN  Mayor Joy, tutulungan ang siklista na tinutukan ng baril DILG Sec. Abalos: Kasuhan

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA