33.4 C
Manila
Wednesday, January 8, 2025

Paigtingin ang hakbang kontra sunog – Sen. Win

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa gobyerno na paigtingin ang mga hakbang upang makaiwas sa sunog sa gitna ng nararanasang El Niño sa bansa.


“Dahil nagbibigay ang El Niño weather phenomenon ng karagdagang panganib na magkaroon ng mga insidente ng sunog, kailangan nating tulungan ang ating mga kababayan na magkaroon ng ibayong kaalaman sa paghahanda para mapigilan ang mga insidente ng sunog sa bansa,” ani Gatchalian.


Ayon sa mambabatas, ang anumang pinaigting na kampanya kontra sunog lalo na sa mga mahihirap na komunidad ay magbibigay-daan sa publiko para ito’y epektibong matugunan at maiwasan.


Kasama sa mga hakbang para makaiwas sa sunog ang tamang paggamit ng LPG. Mahigit 50 percent ng mga sambahayan ang umaasa sa LPG.

BASAHIN  Mas maigting na aksyon ng mga paaralan laban sa hazing - Gatchalian


Bilang may-akda ng Republic Act (RA) No. 11592, Idiniin ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagtuturo sa mga mamimili tungkol sa wastong paghawak ng LPG o liquefied petroleum gas, na maaaring magdulot ng sunog kung hindi mapapangasiwaan nang tama.

Layon ng RA No. 11592 na punan ang mga regulatory gaps sa industriya, kabilang ang pagtiyak sa pag-alis ng mga hindi ligtas na tangke mula sa sirkulasyon upang maiwasan ang mga insidente ng sunog. Ginawang institusyonal din ng batas ang cylinder exchange at swapping program upang payagan ang mga mamimili na bumili sa anumang retail outlet ng LPG cylinder at i-swap ito sa kahit na anong brand ng tangke na nais na bilhin ng mamimili.

BASAHIN  DOE, DPWH, pabilisin ang polisiya para sa ev charging stations -Gatchalian

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA