MAYROONG sapat na bolyum ng tubig ang lungsod ng Marikina para maibsan ang epekto ng El NiƱo.
Ito ang sinabi kahapon ni Marikina City Mayor Mary Teodoro, matapos niyang ilahad na mayroong water harvesting facilities sa mga pampublikong paaralan, pati na ang anim na deep well systems na nakakonekta sa Manila Water, sakaling magkaroon ng water rationing.
āNagrerecyle tayo ng tubig, ‘yung rainwater. Pangalawa meron tayong mga deep well system with Manila Water. Hindi ito ordinaryong deep well. Ito ‘yung mga nakakabit doon sa pipeline ng Manila Water,ā saad ni Teodoro.
Nitong Enero 19, inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang El NiƱo task force, sa ilalim ng Executive Order No. 53 na maghanda at magsagawa ng āsystematic, holistic, and results-driven interventionsā para mabawasan ang epekto ng El NiƱo.
āWe should all cooperate and coordinate as we deal with the effects of and concerns on El NiƱo. We do not need a new structure. What we need is to breathe fresh energy and a new lease on life on the existing networks and links that we have all access to,ā ayon pa kay Teodoro.
Samantala, sinabi ni Engr. William Juan na dapat lahat ng mga gusali ng pamahalaan pati na sa pribado ay dapat magkaroon ng water harvesting facilities para makatipid sa konsumo ng tubig at may magagamit sakaling magkaroon ng kakulangan sa tubig bunsod ng El NiƱo.