33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Search, retrieval sa Maco landslide, itinigil na

INIANUSYO ng lokal na pamahalaan ng Maco, Davao de Oro na inihinto na nila ang search and retrieval operations sa naganap na landslide sa Barangay Masara.

Ito ay matapos mai-report ng mga awtoridad na wala nang narekober na mga bangkay mula sa landslide.

Sinabi ni Jiesyl May Tan, Mawab Municipal Information Officer, nakadepende pa rin umano ito sa magiging rekomendasyon ng ng Incident Management Team leaders dahil mayroon pa ring walong indibidwal na nawawala.

Aniya pa, sisikapin ng search, rescue, and retrieval team na alisin ang lupa at batong gumuho sa bahagi ng Barangay Masara sa lalong madaling panahon.

May posibilidad daw na ang walong nawawala ay kabilang sa 14 na hindi nakilalang katawan at body parts na narekober na team.

BASAHIN  3-anyos nailigtas sa landslide pagkalipas ng 60 oras

Iniulat kamakailan ni Tan na umabot na sa 93 ang mga bangkay na kanilang narekober sa landslide, kung saan 79 sa mga ito ay nai-turn over na sa kani-kanilang pamilya.

Ayon sa pinakahuling report, aabot na sa mahigit 100 bangkay ang narekober ng mga awtoridad mula sa lugar ng landslide.

BASAHIN  Ex-First Minister ng Scotland, bumisita kay Tulfo

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA