33.4 C
Manila
Saturday, July 12, 2025

2 tulak, nasakote sa buy bust operation sa Navotas

ARESTADO ang dalawang tulak ng droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa ikinasang buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Buknoy” at kanyang kasabwat na si “Joven”.

Batay sa report na ipinarating kay Navotas police chief Col. Mario Cortes, agad na nagkasa ng operasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) bandang alas-2:28 ng madaling araw sa Badeo 4 St., Barangay San Roque, matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ni alyas “Buknoy.”

Nang tanggapin nito ang markadong salapi mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinakip ng mga operatiba, kasama ang kanyang kasabwat.

BASAHIN   P81-K  shabu nasabat sa tulak ng Valenzuela 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang anim na gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang ₱40,800, at isang ₱500 bill na ginamit bilang buy bust money.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

BASAHIN  Utak ng vape shop robbery sa Valenzuela, arestado sa Pasig

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA