Tinupok ng apoy ang aabot sa 10 kabahayan sa Barangay Darangan, Binangonan, Rizal, noong Sabado.
Aabot sa 17 pamilya ang naapektuhan ng sunog na kasalukuyang nasa Saint Francis of Assisi Chapel na kalapit ng barangay, habang isang fire volunteer naman ang nasugatan sa insidente.
Batay sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection-Binangonan, aabot sa ₱750,000 ang halaga ng ari-arian na naabo sa sunog.
Ayon kay SFO1 Julian Lenon Membreve, fire investigator, nagsimula ang sunog bandang alas-9:17 ng gabi at dakong alas-9:19 nang itaas ang first alarm, na umabot ng second alarm bandang alas-9:37 ng gabi.
Dakong alas-10:19 ng gabi nang ideklara itong fire out.
Related Posts:
LTO inalerto sa milyun-milyong magbabalik-Maynila
Working student ng Arellano University sa Pasig, patay matapos gahasain
VP Sara tatakbo na lang sa Davao City sa 2025?
Higit 500 katutubo nakatanggap ng tulong medikal mula sa PINOY AKO Partylist
Ilang jeepney driver sa Angono na hindi sumali sa transport strike, hinarang
Red Cross tumulong para kalusin ang dengue
3 wanted nalambat sa Rizal
3 miyembro ng Niepes Robbery Group na wanted sa NCR, Region 3 arestado
About Author
Show
comments