33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

2 patay sa sunog sa Mandaluyong City

Dalawa katao ang nasawi habang nasa 451 indibidwal ang nawalan ng tirahan kasunod ng sumiklab na sunog sa isang residential area sa Barangay Vergara, Mandaluyong City, noong Biyernes.

Sa ulat ng ng Bureau of Fire Protection-Mandaluyong, kabilang sa mga biktima ang isang 81-anyos na lola at anak nito na 54-anyos na lalaki.

Kapwa na-trap ang mag-ina sa nasusunog na bahay, na ikinasawi ng mga ito habang dinala naman sa pagamutan ang isang residente na nasugatan.

Aabot sa 100 pamilya ang naapektuhan na nananatili ngayon sa Isaac Lopez Integrated School at sa kalapit na covered court.

Nagsimula ang sunog bandang alas-11:13 ng gabi, na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire out bandang alas-2:06 ng madaling araw ng Sabado.

BASAHIN  Mas mabilis na emergency response, hatid ng bagong fire sub-station sa Pasig na ikinasa ng Meralco at BFP

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

BASAHIN  Pamaskong Handog ng Mandaluyong LGU, umarangkada na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA