SINABI ni Sen. Grace Poe na kailangan ang mas mahigpit na mga hakbang para maitigil na ang scams o panloloko para maprotektahan ang mga Pilipino habang nauuso na ang online banking at e-wallets.
“They say that there are only two certain things in life: death and taxes. Ngayon, mukhang kinakailangan na nito ng amendment: death, taxes, and scams… These fraudulent schemes and rackets have become the bane of our financial consumers,” ani Poe.
Si Poe ang isa sa sponsors Senate Bill (SB) No. 2560 o ang “Anti-Financial Account Scamming Act”, na nai-file noong 2021.
Dahil daw sa pandemic, naging palasak na ang online financial transactions kasali na ang e-wallet, pero may malaking panganib dito dahil sa pagdami ng
scammers.
Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Poe na may 120 e-wallet account holders ang nawalan ng pera dahil sa scammers.
Noong 2022, pang-lima ang Pilipinas sa southeast Asia na may pinakamaraming insidente ng phising attacks.
Ang phising ay isang pamamaraan — na kadalasan ay ginagawa online — para makuha ang sensitibong impormasyon ng isang tao — gaya ng bank account numbers, passwords, atbp. sa pamamagitan ng solicitation ng mga nagpapanggap na lehitimong negosyo o tao.
Sa kaparehong taon, ₱623 milyon ang nanakaw dahil sa fraud, ₱623 milyon sa phishing at ₱409 milyon sa identity theft.
“Ngayon naman, hihigpitan natin ang seguridad ng ating mga financial accounts tulad ng GCash, Maya, online banks, pati mga e-wallets ng mga pinakagamit na apps tulad ng Shopee, Lazada at Grab,” pagtatapos ni Poe.