33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Dagdag allowance, benepisyo, sa manggagawa

UMAPELA si Sen. Grace Poe sa employers na maglaan ng allowances at iba pang benepisyo sa kanilang manggagawa para matugunan ang tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Makatutulong raw ito sa mga arawang manggagawa, habang inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang ₱100 dagdag sa arawang sweldo.

Makikinabang dito ang mga manggagawa sa pribadong sektor.

“I am sure the businesses that truly care about their workers would find a way to make necessary adjustments,” dagdag pa niya.

Idiniin ni Poe na ang huling legislated national wage hike ay ipinatupad 35 taon na ang nakalilipas.

“Bagama’t may significant na pagtaas na ang minimum wage simula noon. Hirap maramdaman ito ng ating mga kababayan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin… Para sa karamihan, kahit anong sipag at diskarte ay talagang di pa rin sapat,” ani Poe.

BASAHIN  Love the Philippines Video, Trabahong Tamad - Salceda

Sinipi Poe ang pag-aaral ng IBON Foundation nitong Enero na nagsasabing sa Metro Manila, kailangan ng isang pamilya na may limang miyembro ang ₱1,193 kada araw o ₱25,946 bawat buwan para mabuhay ng disente. Ito ay halos kalahati lamang sa poverty threshold na itinakda ng NEDA na ₱12,577 na kita bawat buwan.

BASAHIN  Mga bagong buwis, kailangan—NEDA

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA