33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Kongresista, binanatan ang Senado

“BULOK na bulok ang sistema nang pagba-badyet sa bansa.”


Dahil sa pahayag na ito ni Sen. Koko Pimentel kamakailan, rumesbak ang isang
kongresista dahil sa diumano’y ₱26.7-B na budget insertion.


Sinabi ni 1-Rider Partylist Rep. Ramon Gutierrez na isang seryosong akusasyon
na may iregularidad sa ₱5.768 trillion “2024 General Appropriations Act”.


Ayon sa isang observer, dapat munang balik-eskwela si Gutierrez dahil hindi nito kayang unawain ang kaibahan ng ₱26.7 bilyong insertion sa buong ₱5.768 national budget. Tanging ang ₱26.7 bilyon lamang ang sinita ni Pimentel at hindi ang buong badyet, di gaya ng insinuation ng kongresista.


Matatandaang sinabi ng ilang senador na wala silang kaalam-alam sa ₱26.7 billion “Ayuda sa Kapos ang Kita Program” o AKAP na naisama sa badyet ng DSWD para sa 2024.

BASAHIN  Cha-cha, hindi ‘magic solution’ sa kahirapan – Binay


Ayon kay Sen. Imee Marcos, na nag-sponsor ng DSWD budget, wala siyang alam sa ₱26.7 bilyong insertion at ito ay tila “alien” at “magical” para sa kanya.

“For some of our stakeholders to claim that the bicam did not go through the correct process… It is a very grave accusation that should be studied very carefully,” ani Gutierrez.


Itinatwa ng liderato ng Kamara na ang ₱26.7 bilyong pondo para sa AKAP ay gagamitin para sa Peoples’ Initiative para maamyendahan ang 1987 Constitution.

BASAHIN  Paghahanda sa drilling operations sa Malampaya 4 pinabibilis

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA