NAGBABALA sa publiko ang Department of Health (DoH) nitong Peb. 19 laban sa online advertisements ng mga produkto na inindorso raw ng ahensya.
Kasali sa mga may pekeng endorsements ang ilang produkto gaya ng gatas, food supplements, atbp.
Idiniin ng DoH na ang mga online endorsements ay peke, nakalilito, at hindi awtorisado.
“The Department does not engage in the promotion or endorsement of specific brands or commercial products,” ayon pa sa DoH.
Kapag hindi raw inalis ang mga nabanggit na posts, ay magpa-file ng kasong kriminal ang DoH laban sa mga taong sangkot dito.
Dapat lamang daw na kumuha ng impormasyong pangkalusugan sa website ng DoH, pati na sa iba pang lehitimong sources.