33.4 C
Manila
Saturday, June 29, 2024

Mayor Wes pinangunahan ang groundbreaking ng command center, turnover ng SWAT vans

Pinangunahan mismo ni Mayor WES Gatchalian ang isinagawang groundbreaking ceremony ng “One Valenzuela Command Center” sa Barangay Paso De Blas at ang turnover ceremony ng emergency vehicles sa Barangay Gen. T. De Leon, noong Biyernes, Pebrero 16.

Ayon sa Valenzuela City public information office, matatagpuan sa itatayong apat na palapag ng gusali ang Valenzuela City Command, Control, and Communication Center (VCC3), Traffic Management Office (TMO), Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO), Philippine National Police (PNP) Office, Anti-Cyber Crime Unit, Electric Vehicle Charging Station, at Radio Tower.

Makakatulong ang nasabing command center sa layunin ng lokal na pamahalaan na itaguyod sa lungsod ang kaayusan at katahimikan.

Kasabay nito, nagturn-over din si Mayor WES ng mga service vehicle sa Valenzuela Police at sa Brgy. Gen. T. de Leon at dalawang van para sa Special Weapon ang Tactics (SWAT) team.

BASAHIN  Libreng driving training, ikinasa ng Valenzuela LGU, Ford motors

Ang dalawang SWAT van ay idinisenyo upang mag-imbak ng kanilang mga kagamitan o weaponry para na rin sa mabilis na pagtugon ng mga tauhan ng SWAT sa mga high-risk missions o rescue operations.

Mayroon itong jump seat sa likuran ng passenger area, bench seats na may aluminum cabinet, pin lights, mga cabinet na may arm racks, overhead grab handle, roof rack para sa sniper, grill bars sa magkabilang gilid ng bintana, grab bars at foothold, run flat na gulong at mags, blinkers at sirena, at 360-degree camera na may monitor.

Namahagi naman ng ambulansiya ang lokal na pamahalaan sa Barangay Gen. T. de Leon bilang karagdagang service vehicles.

BASAHIN  Mayor Belmonte, Rep. Tiangco, top performers sa NCR

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA