33.4 C
Manila
Sunday, July 13, 2025

Dalawang tulak umano ng iligal na droga, arestado sa Navotas

NADAKIP ng mga operatiba ng Navotas City Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga, sa isinagawang buy bust operation kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Maroy” at “Bugoy.”

Pinangunahan ni P/Cpt. Genere Sanchez ang ikinasang operasyon sa Tanigue St., Barangay NBBS Dagat-dagatan, kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipag-tranksaksyon sa mga suspek ng ₱500 halaga ng droga.

Agad inaresto ang dalawa nang tanggapin ng mga ito ang markadong salapi mula sa pulis poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu.

Nakuha mula sa mga suspek ang aabot sa 5.3 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱36,040 at buy bust money.

BASAHIN  Daan-daang mga taga-Caniogan sa Pasig City nakibahagi sa ‘Awit Pasasalamat’ para sa mga ‘bayaning’ frontliners

Kinasuhan na ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

BASAHIN  3 durugista nadakma sa Navotas buy-bust

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA