33.4 C
Manila
Wednesday, July 3, 2024

Lalaki, pinutulan ng ari ng partner

HABANG natutulog, pinutulan ng ari ng isang babae ang kanyang kinakasama gamit ang kitchen knife.


Nangyari ang insidente sa Lungsod ng Chota, hilagang Peru.

Iniulat ng Agence France-Presse (AFP) na isang 39-anyos na babae ang mainit na nakipagtalo sa kanyang live-in partner matapos itong umuwing lasing. Dahil sa matinding selos sa pag-aakalang nagtataksil ang partner, kaya inatake ito ng babae at pinutulan ng ari habang natutulog dahil sa labis na kalasingan.

Hindi pa malinaw kung na-recover at naibalik ng mga doktor sa pamamagitan
ng operasyon, ang naputol na bahagi ng ari ng lalaki.

Ayon pa sa AFP tumatanggap ngayon ng tulong medikal ang lalaki at binigyan ng psychological support.

BASAHIN  AstraZeneca umamin, COVID vaccine maaaring magdulot ng masamang epekto


Samantala, nanatiling malaya ang babae, dahil mayroon siyang tatlong-buwang-sanggol na inaalagaan.


Sinabi naman ng mga kaanak ng lalaki na humihiling sila ng hustisya at nais
maparusahan ang babae.


Kaugnay nito, Hunyo 23, 1993 nang pinutulan ng Amerikanang si Lorena Bobbitt ang ari ng lasing na asawang si John Bobbit. Labis na pang-aabuso ng mister at ang pagiging “bitin” ni misis tuwing sila’y nagtatalik, ang lumitaw motibo ng pag-atake. Dahil sa mabilis na aksyon ni John at ng mga doktor, naibalik sa operasyon ang naputol na ari. Siya’y naging isang celebrity dahil sinsidente.

BASAHIN  2 Nawawalang OFWs, hostage na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA