33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

‘Hindi totoong walang pera ang PhilHealth’—Cong. Lee

ITO ang isiniwalat ni AGRI Party-list Congressman Wilbert Lee sa ginanap na “The Agenda” forum kaninang umaga, sa Club Filipino sa San Juan City.

Ayon Kay Lee, marami aniyang lumalapit sa kaniya at nagpaabot ng reklamo na hindi na umano tinatanggap ng ilang ospital ang mga pasyente dahil wala nang pera ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

“Kasi sa pag-iikot ko sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, isa lang po ang lagi kong naririnig na daing ng ating mga kababayan. Yon pong kanilang pangamba at takot na pag sila’y nagkasakit, wala silang perang pampa-ospital, pambili ng gamot, naaapektuhan yong kita, nauubos yong ipon at nababaon sa utang,” ang pahayg ng kongresista.

“Ang narinig ko kapag umiikot ako [ang sabi nila] Cong may sakit ako, ang aking asawa, at dito lang kami nakaratay sa bahay. At nang tinanong ko kung bakit, sinabi nila na wala silang pera at ayaw sila tanggapin ng ospital dahil PhilHealth po yong gagamitin nila,” dagdag pa ng mababatas.

Sinabi pa ni Lee na batay sa kaniyang imbestigasyon, kaya ito nangyayari dahil napakalaki umano ng utang ng PhilHealth sa mga ospital.

“And contrary to what we all believe, hindi pala totoong walang pera yong PhilHealth. We have discovered at sinabi ko sa hearing [noong Setyembre 2023] na meron silang ₱466 billion investable fund invested in different banks and instruments,” giit pa ng mambabatas.

BASAHIN  Isyu ng ‘gupitan’ naresolba na sa pagitan ng EARIST at student leaders, ayon sa CHED

Dagdag pa rito, sinabi pa ni Lee na may kinita pa umanong ₱68 bilyon ang ahensya as of July 2023. Mayroon pa umanong daan-daang bilyon na subsidiya ang PhilHealth mula sa national government.

Nabatid na nag-file ng bill si Lee na pinatataas ang benefits ng mga miyembro dahil halos nasa 13-taon na ay hindi pa rin naitataas ang mga benepisyo na kung saan ang ₱300.00 monthly contribution ay wala pa ring pagbabago.

Nilinaw nito na may ₱150,000.00 hanggang ₱600,000.00 PhilHealth coverage sa cancer cases ang hindi pa rin nagtataas mula pa noong 13 years na kailangang madagdagan na.

Nakalaan sa PhilHealth na may reserve na ₱466 billion fund sa ilalim ng Charter at malinaw na ang sobrang pera ay maaaring magamit sa health benefits ng mga miyembro.

Sinabi pa nito na ang investments ng PhilHealth ay nasa ₱466 billion na may ₱20.7 billon interes na kung saan maraming Pinoy ang hindi nakaka-avail ng maximum benefits mula sa PhilHealth dahil sa kakulangan umano ng pondo.

Dapat umanong magkaroon ng malaking kontribusyon ang mga mayayamang negosyante sa kanilang healthcare provisions para sa mga common workers.

BASAHIN  Con-con forum, patuloy na isinusulong ni dating anti-corruption czar Greco Belgica

Obligasyon din ng pamahalaan na proteksyunan ang health condition ng mamamayan.

Giit naman ni Leodegario ‘’Ka Leody’’ de Guzman, labor leader, na kailangang nakatuon sa “public service” ang health care na may sapat  na pinaiiral na sistemang kontrolado ng mga kumpanya

Sinabi naman ni Atty. Luke Espiritu, labor lawyer, na ang PhilHealth Law ay insufficient na kaya dapat na magkaroon ng batas na maglalaan ng healthcare benefits.

Paliwanag naman ng National Wages and Productivity Commission na kailangang may proportionate contributions sa pagitan ng employer at employees para sa usaping healthcare.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA