Nasungkit ng isang mananaya ang jackpot prize na ₱7,083,788.60 sa Lotto 6/42 na binola noong Martes.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng mananayang bumili ng ticket sa lotto outlet sa Quirino Highway, Novaliches, Quezon City ang winning combination numbers na 19-3-11-23-13-17.
Nasa 57 players naman ang wagi ng ₱24,000 para sa second prize, habang 2,092 ang nanalo ng ₱800 at 27,406 mananaya naman ang nanalo ng palit taya o ₱20.
Samantala, wala namang nakakuha sa draw ng Ultra Lotto 6/58 na may premyong pumalo na sa ₱122,079,299.20 at draw ng Super Lotto 6/49 na mayroong ₱58,017,957 na jackpot prize.
Related Posts:
Road rage sa Valenzuela, suspek kinasuhan na
Markadong High Value Individual na mag-live-in partner tiklo sa damo
Ilang bahagi ng ₱17-B 2024 budget ng Pasig LGU nakalaan para tugunan ang mga problema sa komunidad
Mahigit ₱2-M shabu, nasabat sa isang HVI sa Valenzuela City
Walang naiulat na karahasan sa 3 Lungsod nitong undas
Awra Briguela, laya na
179-M car plates, naka-tengga pa rin sa LTO
Masisilungan ng riders, hiniling sa gas stations, delivery companies - MMDA
About Author
Show
comments