33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

27 barangay sa Pasig nabigyan ng de-kalidad na PTV, Mayor Vico bumida

SINIMULAN na ng Pasig City local government unit (LGU) ang pamamahagi ng patient transport vehicles (PTVs) sa 27 barangays na magagamit para sa maagap na paghahatid ng mga non-emergent cases na kailangang dalhin sa ospital o sa barangay health centers.

Ito ang ibinida ni Pasig City Mayor Vico Sotto kaninang umaga na nangunguna ang Pasig sa local government unit (LGU) sa Pilipinas o kahit BFP na gagamit ng de-kalidad na technology sa firetrucks at PTVs.

Kumpiyansa pa si Mayor Vico sa kalidad na kayang gawin ng kanilang PTVs at talagang madetalye ang loob nito dahil pinag-aaralang mabuti kung ano ang kailangan.

“Ano ba dapat ang nasa terms of reference.  Ano yung feedback mula noon, gaya nung sa maintenance ng sasakyan, yung PMS natin. At yung mga bagay katulad ng oxygen concentrator. Yung mga learning mula sa pandemic at huling mga taon, in-incorporate natin yan. Hindi basta-basta na maisip lang. Hindi nag-iimbento, talagang pinag-aaralan,” ayon sa alkalde.

Naniniwala naman si City Health Officer Dr. Joseph Panaligan na isang mabilis na paraan ang PTV  para maagapan ang buhay ng may sakit na tulad ng pananalasa ng corona virus disease o COVID-19 pandemic, at hindi na kailangang gumamit ng ambulansya na nakalaan para sa mas emergency cases.

BASAHIN  Meralco, telco companies sa Pasig, kakasuhan?

Pinangunahan ng Disaster Risk Reduction and Management Fund at Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ang pamamahagi ng 27 PTV sa mga barangay, kabilang na ang fire trucks na una nang naipamahagi noong September 2023.

Bilib naman si DRRMO Chief Bryant Wong, sa mga PTV dahil sa taglay nito ang free preventive maintenance service (PMS) na kayang tumakbo hanggang 20,000 kilometers at may inverter with oxygen concentrator na kailangang ng mga pasahero.

“Hanggang yung sa Singapore nga ay pinag-aralan natin (referring to the howler low- frequency tone siren). Wala pang LGU sa Pilipinas o kahit BFP na gumagamit ng ganung technology sa firetrucks at PTVs, Pasig LGU ang una,” ayon pa kay Mayor Sotto.

Sa panayam sa telepono, sinabi ni Wong na maliban sa de-kalidad na mga features ng PTVs, nakatipid ang lokal na pamahalaan dahil nagkakahalaga lamang sa higit ₱2.4-M ang bawat isa.

Samantala, paalala ni Vice Mayor Dodot Jaworski sa mga nakatanggap na barangay na ingatan ang mga PTV dahil bukod na nangunguna ang Pasig na magkaroon ng ganyang klase ng service ay mula sa taxpayers ang pinaglaanan ng proyekto.

“Ang mga barangay ang frontliners sa public service, kung mayroon pa kayong naiisip na magagandang programa na pwede po nating paglaanan ng pondo para mas mapaganda pa ang serbisyo natin dito sa ating lungsod, bukas po ang aming tanggapan para sa mga ito,” ayon pa kay Vice Mayor Dodot.

BASAHIN  Hiling na diyalogo ng negosyanteng si Selwyn Lao, inisnab ni Mayor Vico

Ang pamamahagi ng PTV ay naganap sa tatlong cluster: Sa East Bank, Brgy. Manggahan (Pinagbuhatan, San Miguel, Sta. Cruz, Sto. Tomas, Manggahan, Maybunga, Santolan, Sta. Lucia); Sa Emerald Ave., Brgy. San Antonio: (Pineda, San Antonio, Ugong, Kapitolyo, Oranbo, Palatiw, and Bagong Ilog); at sa Caruncho Ave., Brgy. San Nicolas: (Caniogan, Kapasigan, Sagad, San Nicolas, San Jose, Bambang, Buting, Kalawaan, Malinao, San Joaquin, Sta. Rosa, and Sumilang).

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA