WALANG tatalo Airbus 320ceo dahil mayroong 10,562 na ganitong aircraft ang
bumibyahe sa buong mundo, kaya ito ang number one sa industriya.
Kasama na ang Cebu Pacific sa 350 global operators ng single-aisle aircraft na ito,
matapos mai-deliver kamakailan ang unang order nila. Mayroon pang 16 na aircraft
deliveries ngayong taon.
Dinagdagan ng Cebu Pacific ang badyet nito ng 19 percent o P50 bilyon para sa pagbili
ng mga bagong eroplano. Inaasahang aabot na sa 92 ang kabuuang bilang ng kanilang
aircraft bago matapos ang taon.
Bukod pa rito, isinasa-pinal na ng Cebu Pacific sa Boeing o Airbus ang pagbili ng 100
hanggang 150 bagong aircraft para masuportahan ang kanilang expansion sa loob ng
5-10 taon.
Magmula 1996, nakapagsakay na ang airline ng mahigit 200 milyong pasahero at 22.47
milyon noong 2019.
Sa ngayon, mayroon itong 35 na domestic at 25 internasyonal na ruta sa Asia,
Australia, at Middle East.