33.4 C
Manila
Tuesday, December 17, 2024

Marcos, niresbakan ni Rep. Alvarez

HINDI po rebelyon o sedisyon ang hangad namin.


Ito ang panananaw ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez kaugnay nang
isinusulong nilang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.


Tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala na labag sa Saligang Batas.


Nilinaw ng dating House Speaker, na isang mapayapa at maayos na adbokasiya ang kanilang isinusulong para sa kasarinlan ng buong Mindanao, taliwas sa pag-aangkin ng
ilang pulitiko at grupo na isang rebelyon o sedisyon ang kanilang panukala.


Isa raw lehitimo at legal na paggawa ng kanilang karapatan na magpahayag ng kanilang saloobin, organisasyon, at mapayapang pagpupulong na ginagarantiyahan ng ating Konstitusyon.


Matatandaan na nitong Enero, sa isang press conference, sinabi ni dating Pangulong
Rodrigo Duterte ang ideya ng paghihiwalay sa Mindanao mula sa Republika ng Pilipinas. Ito’y gagawin hindi raw sa marahas na paraan kundi sa pamamagitan ng peoples’ initiative na papangunahan ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

BASAHIN  University of Manila: Todas lahat nang kumakalaban! – Tulfo


Ito raw ay bunsod ng kakulangan ng kaunlaran sa Mindanao kahit na maraming
Pangulo na ang nanungkulan.


Pero mariing sinabi ni Marcos na hindi niya papayagan kahit na isang pulgada ng
lupain sa Mindanao ang maihiwalay sa Republika.

BASAHIN  Sen. JV: Pinasadsad ng tatay ko ang BRP Sierra Madre

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA