ANIM na missiles ang pinalipad ng Yemeni Houthi rebels nitong Peb. 6 sa direksyon ng
dalawang merchant ships na may mga tripulanteng Pilipino.
Ayon sa report ng U.S. military, tatlo sa missiles ang dumaplis sa MV Star Nasia, isang
Greek bulk carrier na naka-rehistro sa Marshall Islands.
Nakatutok naman ang tatlo pang missiles sa MV Morning Tide, isang barko ng United
Kingdom. Hindi ito nagresulta sa anomang pinsala dahil sumabog lamang ito sa Red
Sea, may kalayuan sa kinalalagayan ng barko.
Patuloy na gumaganti ang mga rebeldeng Houthi — na suportado ng Iran — sa civilian
ships ng United States, Britain, at Israel bilang pagsuporta sa Palestine sa digmaan nito
laban sa Israel.
Tungkol sa mga 25 Pilipinong binihag ng Houthi noong Nobyembre 2023, sinabi
Georgy Gvozdeykov, Minister of Transportation, Bulgaria na ang mga tripulante ng
Galaxy Leader ay nananatili pa sa hotel hanggang sa ngayon, habang inaayos pa ang
kanilang travel documents.