33.4 C
Manila
Tuesday, December 17, 2024

Seguridad ng urban poor sector palalakasin

NAGKASUNDO ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at National Security Council (NSC) para sa maayos na pakikitungo sa pagharap sa urban poor at seguridad ng mamamayan.

Nagharap sina PCUP Chairperson and CEO Undersecretary Elpidio Jordan, Jr. para sa masaganang pagpupulong at ugnayan sa tanggapan ni NSC Director-General and National Security Adviser, Secretary Eduardo Año sa NICA Compound, Quezon City.

Ang pangunahing tinalakay sa kanilang pagpupulong ay nakatuon sa ugnayan ng dalawang ahensya na palakasin ang e urban poor at masigurong ligtas ang kapakanan ng mga miyembro.

Nagkaroon din sila ng constructive dialogue at matibay na samahan para sa pagbuo ng innovative strategies na tatalakay sa mga isyu na  may kaugnayan sa seguridad ng urban poor sector.

BASAHIN  Meralco tiniyak na hindi sasablay ang kauna-unahang subway ng bansa

Tiniyak naman ng NSC ang kanilang walang sawang  pagsuporta sa grupo para mapalakas ang PCUP at magawa ang mga nararapat na gawin para hindi maapektuhan ang   urban communities.

BASAHIN  ‘Serbisyo Caravan’ ng PCUP ikakasa sa 6 pang lalawigan kasama ang iba pang ahensya

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA