₱100 dagdag sa daily minimum wage – Jinggoy

0

DAPAT ₱100 ang idagdag sa sahod.


Ito ang nais mangyari ni Senador Jinggoy Estrada, matapos niyang isulong sa Senado
ang Senate Bill (SB) No. 2534 o “An Act Providing for a 100 Pesos Daily Minimum
Wage Increase for Employees and Workers in the Private Sector.”


Si Estrada ang chair ng Senate Committee on Labor, Employment and Human
Resources Development.


Ang kanyang panukala ay isinama ang SB No. 2002 na nai-file noon nina Senate
President Migz Bubiri, Senators Loren Legarda, Nancy Binay, at Bong Go bilang co-
authors. Kasama rin ang SB No. 2018 ni Senador Bong Revilla.


“All employees in the private sector in the entire country, whether agricultural or non-
agricultural, are entitled to a ₱100 minimum wage increase. This would guarantee an
increased daily pay for around 4.2 million minimum wage earners,” paliwanag ni
Estrada.


“Ang kasalukuyang minimum wage sa iba’t ibang rehiyon na nasa ₱306 hanggang
₱610… Ang pinakamataas na sahod na P610 sa NCR ay makatatanggap naman ng
₱14,640 kada buwan–mas mataas lamang nang kaunti sa “near poor” threshold na
₱12,400.”


Nilinaw ni Estrada na hindi makatotohanan ang minimum wage na ₱610 kada araw.
Dahil sa inflation, ang tunay na purchasing value nito ay ₱514.50 na lamang.


Kaawaawa raw ang mga manggagawa, dahil kulang na kulang ang kanilang sahod
maging sa isang pamilya na may limang miyembro. Imposible raw mai-treat ang
pamilya sa Jollibee o ibang restaurant dahil ubos na sa basic needs ang suweldo.


“Naniniwala po tayo na para sa mga ordinaryong manggagawa, makatutulong ang
taas-sahod na ito, pambili ng bigas at ulam, pamasahe, at pandagdag —maski sa maliit
na halaga — sa pang araw-araw na gastusin,” pagtatapos ni Estrada.

About Author

Show comments

Exit mobile version