CEASEFIRE MUNA.
Ito ang pahayag ni Sen. Juan Edgardo Angara sa isang radio interview kahapon. Ito
raw ang sinabi sa kanila ni Senate President Juan Miguel Zubiri dahil lumalala na ang
bangayan sa pagitan ng Senado at Kamara dahil sa isyu ng PI.
Pumayag naman si Sen. Ronald dela Rosa na pansamantalang isangtabi ang hindi
pagkakaunawaan na dalawang chambers ng Kongreso.
Samantala lumagda sa isang manifesto ang mga kongresista — kasali si dating
Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na sumusuporta sa liderato ni Speaker Martin
Romualdez nitong Pebrero 2.
Pinangunahan ni Arroyo ang mga miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats —
pati na rin mga mababatas sa Bigol region — sa paglagda sa manifesto na minamaliit
ang walang basehang paratang kay Romualdez.
Samantala, sinabi ni Sen. Francis Escudero na huwag nang pansinin ang panawagan ng
Kamara na itigil na ang imbestigasyon ng Senado tungkol sa naiulat na panunuhol para
sa lagda sa People’s Initiative.
Sinabi niya na napatunayan sa unang dalawang hearing ng Senate committee on
electoral reforms — na pinangunahan ni Sen. Imee Marcos — na ilang miyembro ng
Kamara ay direktang sangkot sa pagsasagawa ng PI.