Ipinagdiriwang ngayon ang Kamote Festival sa bayan ng Moncada, Tarlac, na tatagal hanggang Pebrero 11.
Layon nito na mapalakas ang agricultural production ng mga magsasaka at para na rin sa kanilang masaganang ani ng kamote.
Ilan lamang sa isasagawang aktibidad ang Call of Duty Mobile Tournament, La Jota Moncadenia Folk Dance Competition at Miss Moncada 2024 na gaganapin sa February 9, Farmer’s Day at Moncada Gala Night sa February 10, Thanksgiving Day, Grand Street Dance, Float Parade competition, at Festival Concert sa huling araw ng kapistahan.
Ibinahagi naman ni Moncada Mayor Estelita Aquino na ang kanilang mga aning sweet potato o kamote ay suportado ng Japan International Cooperation Agency at karamihan sa mga produkto ay kasama sa paggawa ng One Town, One Product (OTOP).
Nabatid na aprubado ng Sangguniang Bayan ang Municipal Ordinance No. 2024-01 na magdaos ng Kamote Festival ang bayan, na gaganapin tuwing ikalawang linggo ng Pebrero.