33.4 C
Manila
Saturday, June 21, 2025

Duterte kay Marcos: Magpa-drug test tayo

HINAMON ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong”
Marcos Jr. na sabay silang magpa-drug test sa harap ng publiko.


“Set it in Luneta Park, magpakuha siya ng dugo doon [from an] independent entity or
doctor. Magpakuha rin ako, sige pati ako. Pakuha siya ng blood test,” saad ni Duterte
sa harap ng press sa Davao City.


Ayon pa kay Duterte, iginiit niya sa nasa drug watchlist ng Philippine Drug
Enforcement Agency (PDEA) si Marcos, na itinanggi ng ahensya. Kasama raw ng
Pangulo ang isang cabinet official sa diumano’y paggamit ng cocaine.


Dahil sa pahayag ni Duterte, hinamon ito ni House Speaker Martin Romualdez na
maglabas ng katibayan laban kay Marcos.

BASAHIN  Seniors, PWDs grocery discounts, ₱500 na


Nanatili pa ring tahimik ang Palasyo kaugnay sa hamon ng dating Pangulo.


Matatandaang inakusahan ni Duterte si Marcos na isang “bangag” at “adik” sa isang
prayer rally nitong Enero 28 sa Davao City, sa harap nang mariing pagkontra nila sa
people’s initiative na paraan ng pag-amyenda sa 1987 Constitution.


Maaaring naaapektuhan daw ng gamot na fentalyn na iniinom ni Duterte, kaya niya
nasabi iyon. “It is highly addictive and it has very serious side effects,” ani Marcos.

BASAHIN  Proteksyon para sa Refugees, Stateless Persons — Robin

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA