33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

12 PNP personnel ginawaran ng ‘Medalya ng Kagalingan’

LABINDALAWANG PNP personnel mula sa iba’t ibang istasyon at departamento ang ginawaran ng ‘Medalya ng Kagalingan’ kaninang umaga sa NCRPO Grandstand sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Pinangunahan ni PBGen. Reynaldo Tamondong, Deputy Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nasabing parangal kasama si PCol. Bogard Arao, hepe ng District Community Affairs ng Manila Police District.

Ang mga pinarangalan Medalya ng Kagalingan ay sina PMaj Armando Perez Linget, Manila Police District (MPD); PSSg Mae Anne Montemayor Nudalo, Southern Police District (SPD); PCpl Globert Cueto Batara, Regional Intelligence Division (RID); PCpl Noriel Baula Boco, Northern Police District (NPD); PCpl Paul John Fernandez Bulusan, Eastern Police District (EPD) at Patrolman Marlon Blancaflor Beronilla, Eastern Police District (EPD).

Silang anim ay pinuri rin dahil sa kanilang mahusay na pagganap sa pinaigting na buy-bust operations sa ilalim ng Anti-illegal Drugs Campaign ng Philippine National Police (PNP) na nagresulta hindi lamang sa pagkaaresto kundi pati na rin sa pagbawi ng malaking bilang ng illegal na droga.

Nakatanggap din ng nasabing medalya si PCpt John Cabrera Baligat, RID dahil sa pagkakaaresto sa dalawang Taiwanese nationals kung saan nakumpiska sa mga ito ang matataas na kalibre ng armas sa pangunguna ng Bureau of Immigration and Deportation.

BASAHIN  Babaeng desk officers na ang tatao sa mga istasyon ng pulis, ayon kay Okubo

Si PSSg Fernando Aniñon Guerrero Jr. naman ng MPD ay binigyan ng merito dahil sa matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang indibidwal at narekober ang mga baril at bala.

Dahil sa isang hot pursuit operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal, binigyan din ng nasabing parangal si PCpl. Raffy dela Cruz ng Quezon City Police District (QCPD). Ito ay may kaugnayan sa paglabag ng 2 katao sa R.A. 10591 at Article 308 ng Revised Penal Code at pagbawi ng stolen cellular phone, firearm, improvised short firearm, at live ammunition sa mga ito.

‘Medalya ng Papuri’ naman ang iginawad kina PSSg Cyrus Gabbuat Goli, SPD; PCpl Moris Velasquez Abulencia, QCPD at PCpl Fernando Carmelo Laciste Jr, NPD sa pagkaaresto ng mga ito sa mga indibidwal dahil sa iba’t ibang krimen sa ilalim ng Anti-Criminality Campaign ng PNP.

Ipinarating ni Tamondong ang mensahe ni PMGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. na bilang hepe ng NCRPO, binigyang-diin niya ang importansya ng wastong pag-uugali ng isang dedikadong alagad ng batas dahil na rin sa mekanismo ng pagdidisiplina.

BASAHIN  Bebot huli sa buy bust, P81-K shabu nasabat sa Pasig

Ayon pa sa mensahe, paiigtingin pa ng pulisya ang nasabing mekanismo upang marami pa sa mga pulis ang makikinabang sa programang ito at mabibigyan din ng kahalintulad na parangal sa susunod.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA