IBINUNYAG ni Senador Imee Marcos kamakailan na ang tanggapan ni Speaker Martin
Romualdez ang nasa likod nang pagbibigay ng ₱20 milyon bawat congressional district
para sa PI o people’s initiative.
Nais daw ni Romualdez na amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng people’s
initiative na mariing kinontra ng 24 na senador.
“So definitely, that derived from his office with very clear numbers identifying the
staff members and attorneys involved,” ayon kay Senator Imee.
Sinagot naman ito ni Romualdez na nagsabing nakikinig daw sa mga Marites ang
kanyang pinsang si Imee. Kung mayroon daw siyang ebidensya, dalhin niya ito sa
Korte o kaya sa Comelec.
Nauna nang ipinahayag ni Senador Ronald De la Rosa earlier na may ilang kongresista
ang lumapit sa kanya at inaming ang Speaker daw ang nagbigay utos para sa PI
signature campaign.
“I will have to admit that there’s a very serious trust issue given that the Senate
obediently drafted and signed the Resolution 6 [of Both Houses] with a clear
understanding that the efforts to collate signatures for a PI with the form already
issued would be stopped pero hindi naman nahinto, tinuloy-tuloy pa [rin],” ayon kay
Marcos.
Nauna nang magkahiwalay na nakipagpulong sina Romualdez at Senate President Juan
Miguel Zubiri kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at pumayag sila na ang Senado ang
mangunguna sa pagre-review ng economic provisions ng 1987 Constitution sa
pamamagitan ng Constituent Assembly.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang signature campaign para sa people’s intitiative na
mariing tinanggihan ng 24 na senador sa pamamagitan nang paglagda sa isang
manifesto. Malamang na dumulog daw sila sa Korte Suprema para ipatigil ang PI.
Pero sinabi ni Romualdez — sa isang sulat kay Zubiri — na nangangako siya susuportahan ang anomang alternatibong PI na pangunguhan ng Senado.
Sagot ni Zubiri, “We believe that any legitimate people’s initiative must be genuinely
led by the people. The Senate still maintains that this people’s initiative, in its current
form and how the signatures are being collected, is flawed and unconstitutional.”
Sinagot ito ng Speaker at sinabing nagpapakalat si Zubiri ng “toxic and caustic”
rhetoric.