33.4 C
Manila
Sunday, December 22, 2024

Kakompetensya ng GrabCar na inDrive sinuspendi ng LTFRB

PANSAMANTALANG suspendido ang operasyon ng RL Soft Corporation, ang rehistradong kumpanya na nagpapatakbo ng inDrive bilang isang Transportation Network Company (TNC) hanggang sa makapag-comply ito sa MC 2019-036 o Fare Rates For Transportation Network Vehicle Services (TNVS) na ipinatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ang nasabing suspensyon ay bunsod sa mga alegasyon ng mga paglabag kaugnay sa tawaran ng pamasahe, paglabag sa ipinatutupad na terms and conditions bilang isang TNC.

Ayon pa sa ahensya, ang suspensyon ay epektibo ngayong araw hanggang sa makapag-presenta na ito ng katunayan na nasunod na nito ang nakasaad sa Memorandum Circular 2019-036, sa loob ng 15 araw.

Idinagdag pa ng LTFRB na titiyakin nilang maipatupad ang kaligtasan at pantay na mga pamamaraan sa industriya ng transportasyon.

Sinabi pa ng ahensya na ang pakikipagtawaran sa pamasahe ay hindi lamang labag sa prinsipyo ng transparency kundi nagsasapanganib din ito sa kapakanan kapuwa ng pasahero at drayber.

BASAHIN  2 katao nailigtas ng Red Cross mula sa pagkalunod

Ang nabanggit na mga alegasyon, ayon pa sa LTFRB, ay seryoso at kinailangan nilang magsagawa ng malalim na imbestigasyon upang matukoy kung hanggang saan pa umabot ang mga paglabag.

Pinaalalahanan naman ng ahensya ang iba pang TNCs na mahigpit na sundin ang mga nakasaad sa terms and conditions bilang bahagi ng accreditation nang sa gayon ay mapanatili ang integridad sa sistema ng transportasyon.

Giit pa ng LTFRB na patuloy nilang ipapatupad ang mga polisiya na magbibigay ng ligtas, patas at mabisang serbisyo ng transportasyon para sa kapakanan ng mga mananakay.

Matatandaan na “sumurender” ang Uber at isinara ang negosyo nito sa Pilipinas noong 2018 dahil na rin sa mahigpit na kompetisyon.

Ibinenta ng Uber sa Grab ang operasyon nito sa South East Asia lakip na ang lahat ng mga customer nito sa Pilipinas.

BASAHIN  50% ng Jeepneys sa NCR, hindi pa nag-consolidate

Marami ang sumubok na mga ride-hailing companies ngunit bigo ang mga ito alinman sa pagpasok pa lamang o kaya’y pataubin ang nangungunang Grab.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA