MAS maraming Pilipino ang makikinabang ngayon sa ayuda mula sa DSWD.
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Executive Order no. 52 na naglalayung isama ang mga homeless o mga taong sa kalsada lang nakatira, sa bibigyan ng ayuda mula sa “Pag-abot Program” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Layon ng executive order na matulungan ang mga taong nakatira sa kalsada para magkapagtrabaho at maging produktibong miyembro ng lipunan.
Ayon kay Marcos, kasali sa assistance packages sa ilalim ng programa ang tulong pinansiyal, relokasyon, tulong para sa pansamantalang tirahan, pangkabuhayan pati na rin tulong para makapagtrabaho.
Dagdag pa rito ang psychgosocial support na gagawin ng DSWD.
“The Pag-abot Program is hereby institutionalized as a platform for an enhanced and unified delivery of services to vulnerable and disadvantaged children, individuals, and families in street situations, through provision of social safety nets and protection against risks brought about by poverty,” pagdiriin ni Marcos.
Ayon pa sa Pangulo, sinisiguro ng programa na makapagbibigay ito ng mga naturang serbisyo para makaalis sa kahirapan ang mga apektadong Pilipino.