IKU-KUMBERTE ng Marikina City LGU ang isang walong-palapag na gusali para maging sentro ng bakuna sa lungsod.
Ayon kay Mayor Marcy Teodoro, ang pasilidad ay gagawing sentro ng bakuna para sa lahat ng uri ng sakit bilang dagdag na health protection, lalo na sa sektor ng populasyon na mahina ang resistensya sa sakit.
Matatandaang nagkaroon nang pagbabakuna sa buong lungsod laban sa pneumonia at flu noong nakaraang taon.
Sinabi ni Teodoro na may kabuuang 27,235 na indibidwal ang nabukanahan ng anti-flu, samantalang 11,173 ang sa pneumonia.
Katabi lamang ng Amang Rodriguez Memorial Medical Center, ang walong-palapag na pasilidad ay mayroong high-tech na medical equipment gaya ng MRI o magnetic resonance imaging, computerized tomography, [CT] scan machines, X-ray, modernong dialysis machines, at diagnostic laboratory equipment.
Bukod pa sa pasilidad na ito, nai-kumberte na rin ang Marikina Covid-19 emergency
quarantine facility sa isang “super health center”, sa harap nang bumababang bilang
ng mga may Covid-19 sa bansa.
“We will open this as Nangka Super Health Center, while remaining prepared and suitable as crisis isolation, treatment, and recovery facility for any emerging infectious disease outbreak,” saad ni Teodoro.
Nagtayo rin ang city government ng “super health centers” sa barangays Fortune, Concepcion Uno Tañong, at Industrial Valley.