33.4 C
Manila
Saturday, January 4, 2025

Pebrero 1: Wala ng jeep sa 320 ruta sa NCR

MAGLALAKAD na lang?


Ito ang senaryong nakikita ng isang legal researcher kung ang isang karaniwang
manggagawa o estudyante ay walang motorsiklo, e-bike, o bisekleta.


Mangyayari ito kapag nagsimula nang ipatupad ng Land Transportation Franchising
and Regulatory Board (LTFRB) simula Pebrero 1 ang pagbabawal sa jeepneys na hindi
sumali sa PUV modernization program.


Nagbigay ng palugit ang LTFRB hanggang Enero 31 sa taong ito para makapasada ang
mga naturang jeepneys, bago nagtapos ang deadline noong Disyembre 31, 2023.


Ilan sa mga rutang ito’y nasa Maynila, Lungsod Quezon na patungong Maynila, EDSA-
bound trips patungo sa Makati, Parañaque, Pasig, at Lungsod Quezon.


Mahigit sa 40,000 jeepneys ang may franchise para bumiyahe sa Metro Manila, pero
22,000 lamang sa bilang na ito ang sumali sa consolidation.

BASAHIN  Hulihin, gumagamit ng kotseng may plakang ‘8’


Samantala, kampante naman si Zona Russet Tamayo, LTFRB-NCR Regional Director,
dahil marami sa mga rutang ito ay short distance lamang na pwedeng pasadahan ng
transport cooperatives.


Ayon sa isang observer, ang mahigit 10 kilometrong byahe mula Quezon City
hanggang Maynila, pati na rin ibang ruta, ay hindi maikling distansya, taliwas sa sinabi
ni Tamayo.


Malaki ang posibilidad na magkaroon ng public transport crisis simula sa Pebrero 1,
kaya naghahanda na ngayon ang Office of the Vice President, Metropolitan Manila
Development Authority (MMDA), at iba pang ahensya ng gobyerno para maglaan ng
mga libreng masasakyan.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA