“Sino po ang makikinabang sa bawat panukalang pagbabago [sa Charter Change]?”
Ito ang itinanong ni Senador Lito Lapid kahapon dahil sa plano ng Kongreso at Senado
na amyendahan ang probisyong pang-ekonomiya ng 1987 Constitution.
“Hindi isang simpleng bagay. Napakarami po nating tanong na kailangang sagutin. Una
na po diyan ay kung kailangan bang amyendahan ang Konstitusyon? Tapos ay kung
ano ang dapat baguhin. Panghuli ay kung paano ito dapat gawin,” saad ni Lapid.
Idiniin pa ng senador na napakaraming tinig ang dapat pakinggan at [mga isyung]
aaralin sa pag-aamyenda ng Saligang Batas. Pinakamahalaga raw ay para kanino ang
Charter Change.
“Napakalaki po ng bahagi ng inyong Senado sa anumang usapin ukol sa ating
Konstitusyon… Katuwang [dito] ang pananaw ng House of Representatives.”
“Handa po ang inyong Senado na pag-usapan ang mga panukalang pagbabago sa ating
Konstitusyon. Tiwala po tayo sa ating Senate President Migz Zubiri at sa pamunuan ng
Senado na pangunahan tayo sa isang makabuluhang pag-aaral ng ating Konstitusyon
kung saan ang interes ng bayan ang magiging pinakapangunahing konsiderasyon at
batayan ng anumang magiging pasya ukol dito,” ani Lapid.