33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Pekeng PWDs, imbistigahan — Romualdez

NAIS na maimbestigahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang tila pang-
aabuso nang lumalaking bilang ng mga indibiduwal na gumagamit ng mga prebilehiyo
eksklusibo para sa PWDs, kahit sila’y walang kapansanan.


Dahil dito, ni-request ni Romualdez sa National Council on Disability Affairs (NCDA) at
Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mag-report sa Kongreso
kaugnay nang compliance sa batas partikular ang pagbibigay ng diskwento at VAT
exemption sa PWDs o persons with disability.


“Iyon lamang lehitimong PWDs ang dapat na makinabang sa [ilalim] batas,” pagdiriin
in Romualdez sa wikang English.


Matatandaang si Romualdez ang principal author ng Republic Act (RA) No. 10754 o
“Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability” (PWDs), na
nilagdaan ng noo’y Pangulong Benigno Aquino, taong 2016.

BASAHIN  Asean, tutulong sa repatriation ng pinoys sa Israel


Tinatayang umaabot sa mahigit 1.5 milyong PWDs ang nakikinabang dito at na-exempt
sa pagbabayad ng 12 percent VAT o value added tax sa tuwing bibili o gagamit ng
angkop na serbisyo.


Ayon pa sa Speaker, “We just want to ensure that PWDs are enjoying the benefits they
deserve under the law, three years after its enactment. Let us work to beef up efforts
in informing the public about the standards set by law for the rights and privileges of
our PWDs.”


Upang ma-avail ang benepisyo, dapat ipakita ng PWD ang kanyang identification card
na nagmula sa Persons with Disability Affairs Office o sa lokal na DSWD office na
nakasasakop sa kanyang tirahan, o iba pang government-issued na ID na nagpapakita
na siya ay isang PWD.

BASAHIN  Duterte, kinondena ang suspensyon ng kanyang TV program

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA