Sinalakay ng mga peste ang ilang taniman sa Ilocos Norte at Nueva Ecija.
Ayon sa Ilocos Norte City Agriculture Office, dinapuan ng whiteflies ang mga pananim sa kanilang lugar, partikular na ang cauliflower, dahil sa pabago-bagong panahon.
Nangangamba naman ang ilang magsasaka sa lalawigan dahil sa mabilis na pagkasira ng kanilang pananim.
Pinayuhan naman ang mga magsasaka na gumamit ng insecticides upang maitaboy ang mga peste.
Samantala, inatake naman ng armyworm ang mga pananim sa Bongabon, Nueva Ecija na nakaapekto sa mga onion farmer sa lugar.
Tinatayang aabot sa mahigit 30 ektarya ng taniman sa pitong mga barangay ang naapektuhan ng pamemeste ng armyworms.
Samantala, nagsanib-pwersa na ang mga lokal na pamahalaan at Department of Agriculture upang mapagkalooban ng tulong ang mga apektadong magsasaka.