33.4 C
Manila
Saturday, December 21, 2024

Swedish choir na umawit ng ‘Leron Leron Sinta,’ viral online

“LERON LERON SINTA”, “Rosas Pandan”, “Ay, Ay, Ay, o Pag-ibig”.

Ilan lamang ito sa mga awiting Pilipino na tumatak sa mga manonood habang inaawit
ng mga banyagang choir sa iba’t ibang singing competitions sa apat na panig ng
mundo.

Kahit na noon pang 2022 nanalo ng grand prize ang Swedish choir na “Hägersten A
Cappella” (HAC) sa International Baltic Sea Choir Competition (IBSCC), patuloy pa ring
nagba-viral hanggang sa ngayon online ang kanilang world class na pag-awit ng “Leron
Leron Sinta”.

Ang choir ay naka-base sa Uppenbarelsekyrkan, isang Swedish church sa Hägersten,
Stockholm. Mayroon itong 40 miyembro na kinabibilangan ng isang Pilipino.

Kadalasan ang grupo ay umaawit sa kanilang simbahan pero nagakakaroon din ng tour
para sa ilang performances.

Noong nakaraang mga taon, kinilala ang HAC sa Venezia in Musica International
Choral Competition sa Sacile, Italy, at sa Concorso Corale Internazionale in Riva del
Garda, Italy.

BASAHIN  5 DepEd executives, nagbitiw na sa puwesto

Nakuha nila ang Grand Prix para sa nabanggit na kompetisyon.

Maraming humanga hindi lamang sa pag-awit kundi sa mahusay na pagbigkas ng HAC
sa mga salitang Tagalog na ikinagulat ng maraming Pilipino.

Ipinakikita lamang nito na ang musika ay isang pangglobong wika, saad ng isang Amerikanong content creator na marunong mag-Tagalog.

Ang Leron Leron Sinta” ay nilikha ni Alberto Florentino (1931-2018), isang playright
writer at book author na naka-base noon sa Oregon, U.S.A.

Inaasahan ng netizens na mas marami pang tradisyunal na awiting Pilipino—na
aawitin ng mga banyaga hindi lamang sa Asya kundi maging sa buong mundo—ang
magwawagi sa international singing competitions.

BASAHIN  Alitan sa partido ni PBBM tumitindi

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA