SUPOTADO ni Senador Win Gatchalian ang inihaing resolusyon sa Senado na naglalayong pag-usapan ang mga pagbabago sa Saligang Batas pero tangi lamang sa mga probisyong pang-ekonomiya (economic provisions).
“Noon pa man ay suportado ko na ang pagbubukas ng mga talakayan tungkol sa pag-
amyenda sa ilang mga probisyon ng Konstitusyon upang ganap na maisakatuparan ang
potensyal ng ekonomiya ng bansa,” sabi ni Gatchalian.
Ang pahayag ng senador ay kasunod ng kanyang reaksyon sa resolusyong inihain sa
Senado sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nagmumungkahi ng
mga pagbabago sa ilang economic provisions ng 1987 Constitution partikular ang nasa
Articles XII, XIV, at XVI.
Naglalayon ang Resolusyon Blg. 6 ng Senado at Karama na i-institutionalize ang mga
repormang inilatag sa Public Service Act upang manaig ang liberalisasyon sa
industriya, isulong ang mahusay na paghahatid ng serbisyo, pati na rin ang
kompetisyon bilang isang pangmatagalang polisiya.