33.4 C
Manila
Wednesday, July 3, 2024

Corvette ni Daniel Padilla, may issue?

MAY issue nga ba ang Corvette sports car ni Daniel Padilla na kanyang ipinagbibili kaya
hindi mabili-bili?


Ang isyu na nagmula sa mga Marites ay kahati raw si Kathryn Bernardo sa pinagbentahan, ang ibig sabihin, 50 percent lang ng kotse ang pag-aari ni Daniel at kay Kathryn ang natitirang kalahati.


Sana mag-issue si Daniel ng official statement tungkol sa tsikang ito, para mabigyang-
linaw ang kanyang fans, kahit na ang mga intrigero’t intrigera.


Wala na raw space sa garahe ni Daniel kung kaya’t ibinebenta niya ang sports car, at
hindi totoong gipit na gipit na siya.


Matatandaang hindi ibinigay sa tawad ni DJ Boss Toyo, isang sikat na vlogger sa
halagang P5.8 million ang Corvette. Mariin ang pasya ng kinatawan ng F2A car seller
sa Quezon City na fixed price na sa P6.5 million ang Corvette.

BASAHIN  Daniel Padilla gipit na? ₱6.5-M Sports car for sale

Samantala, tila bumabagsak na raw ang imahe ni Daniel dahil sa diumano’y mga
babaing nakarelasyon nito habang sila pa ni Kathryn, katulad ng isang Vietnamese
national.


Masyado pang maaga para sabihing bumabagsak na si Daniel. Nagbabakasyon pa siya
sa Japan kaya hindi pa nagtatrabaho.


Update: Naibenta na kahapon ang 2016 acq. Chevrolet Corvette C7 ni Daniel sa isang
hindi pinangalanang buyer mula sa Pampanga, na kung saan naideliver na ito ng F2A
Cars.

BASAHIN  Kathryn Bernardo, isang masamang ehemplo sa kabataan?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA