33.4 C
Manila
Saturday, December 21, 2024

Balak na i-develop ang mga islang hawak ng ‘Pinas sa SCS

MAY planong i-develop ng Pilipinas ang mga islang hawak nito sa South China Sea
(SCS), ayon kay AFP chief of staff Romeo S. Brawner Jr., kahapon.


Kabilang sa mga nakatakdang i-develop ang Thitu at Nanshan islands, para ang mga
ito’y pwedeng tirhan ng ating tropa.


Nagkaroon nang ganitong plano sa harap nang lumalalang tensyon sa pagitan ng
Pilipinas at China, na parehong umaangkin sa teritoryo sa South China Sea at parehong
nag-akusa ng agresibong pagkilos.


Bukod pa sa Second Thomas Shoal o Ayungin Shoal, inuukupahan ng Pilipinas ang
walong iba pang isla at kinikilala ito bilang bahagi ng ating exclusive economic zone.

BASAHIN  Bawat Pilipino, may utang na P141-K


Isa rito ang Thitu island, o Pag-asa — ang pinakamalaki at pinakamahalagang isla sa
SCS. May sukat na 37.2 hectares, ito ay halos 480 kilometro ang layo sa kanluran ng
Palawan. Nag-allocate ang kongreso ng halagang ₱1.5 bilyon para sa modernisasyon
at pagpapalawak ng airport dito.


Bukod pa sa Pilipinas, ang China, Brunei, Malaysia, Vietnam, at Taiwan ay may kanya-
kanyang pag-aangkin sa soberanya sa SCS.

BASAHIN  Disbarment vs Locsin, inihain ng Muslim group

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA