Ipinakilala ng Armed Forces of the Philippines ang kauna-unahang babaeng tagapagsalita ng ahensya.
Mismong si AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr., ang nagpakilala kay Lt. Col. Francel Margareth Padilla, bilang bagong spokesperson ng AFP.
Pinalitan ni Col. Padilla si Col. Medel Aguilar na nagsilbing tagapagsalita ng ahensya sa loob ng isa’t kalahating taon.
Binigyang diin naman ni Gen. Brawner na napapanahon ang pagkakatalaga kay Col. Padilla dahil nais patutukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang isyu ng cybersecurity.
Si Col. Padilla ay naging finalist sa Cybersecurity Woman of 2023, at nagsilbi ring commander ng 7th Signal Battalion, Army Signal Regiment ng Philippine Army.
Related Posts:
6 patay sa pamamaril sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Germany
3-anyos nailigtas sa landslide pagkalipas ng 60 oras
Igalang ang mga ‘inosenteng’ sibilyan—VP Sara
Chiz suportado ang batas vs pang-aabuso ng airline companies
Taas-presyo sa produktong petrolyo, kasado na sa huling linggo ng 2023
₱11-B gastos sa Specialty Centers sa 131 ospital
9 OFWs, 5 bata, dumating mula sa Lebanon
LTO, paiigtingin ang aksyon vs. pasaway na motorista
About Author
Show
comments