33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Ang jeep ay hindi flat nose, baby bus, o coaster – Tolentino

NANGUNA nitong Lunes si Senador Francis “Tol” Tolentino sa panawagan nang
pagpapanatili ng iconic na disenyo ng jeepney sa harap ng PUV modernization
program ng gobyerno.


Sa kanyang pahayag sa mga residente ng lalawigan ng Rizal — ang tahanan ng
pinakamalalaking jeepney manufacturers sa bansa — idiniin ni Tolentino ang
kahalagahan ng jeepney sa paghubog nang pagkakakilanlan nating mga Pilipino.


“Ang unang una pong haharapin ng ating kababayan ay yung February 1 kung saan
ipagbabawal na po yung jeep. Ako po ay sang-ayon sa modernization pero hindi po
ako sang-ayon doon sa baguhin yung jeep na gawing flat nose, na gawing baby bus, na
gawing coaster,” ayon kay Tolentino sa TUPAD emergency employment program sa
Barangay Sto. Niño, San Mateo, Rizal.

BASAHIN  Pebrero 1: Wala ng jeep sa 320 ruta sa NCR


“Ang jeep po ay’yung mahaba ang nguso, ang jeep po ay ‘yung may kabayo sa harap,
ang jeep po ay may gulong sa tagiliran ng driver kung saan puwedeng ilabas yung
kaniyang siko, ang jeep po yung mayroong nakikitang kahoy na kahon sa harap

[na lalagayan ng ibinayad na pamasahe], ang jeep po ay yung nasa likod ‘yung
daanan,” pagdiriin ng senador.


Idiniin pa ni Tolentino ang di-matatawarang papel ng jeepney sa pambansang
transportasyon, pati na rin ang makasaysayan at kultural na kahalagahan nito lalo na
sa mga Pilipino. Dapat daw balansehin ng gobyerno ang modernisasyon kasabay nang
pagpapanatili ng mahalagang pamana ng ating mga ninuno.

BASAHIN  P/Major De Castro, sibak na; Catherine Camilon, patay na?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA