33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

₱2.5-M ‘shabu’, nasabat sa Caloocan City

Dalawang tulak ng iligal na droga ang naaresto ang nadakip ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation ng Caloocan City Police, kahapon ng madaling araw sa Bagong Silang.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Adrian” 32-anyos, promodiser ng isang supermarket, residente ng Phase 9 Package 7 Bagong Silang, Brgy. 176 at alyas “Anthony Kulot”, 42-anyos, residente ng Gaya-Gaya Heroes Village, Bulacan.

Nabatid na kabilang ang dalawa sa listahan ng high value individual (HVI).

Dakong 12:44 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng buy bust operation sa Robes 1, Brgy. 175, Camarin, kung saan naganap ang transaksyon makaraang tanggapin ang ₱29,000 boodle money na may kasamang isang tunay na ₱1,000 na marked money bilang buy-bust money kapalit ng ibinentang shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

BASAHIN  298 RMFB na dinala sa BARMM, binigyang parangal

Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigi’t kumulang 375.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱2,554,080, maging ang buy bust money at isang paper bag.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.

BASAHIN  ‘Most wanted,’  arestado sa manhunt ops sa Valenzuela

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA