Bigatan ang parusa vs power issues – Gatchalian

0
259

DAPAT patawan nang mas mabigat na parusa ang industry players na mapatutunayang
may kapalpakan sa power outage.


Ayon kay Senador Win Gatchalian, “Iminumungkahi ko na, bilang bahagi ng aming
legislative output, magpataw ng parusa na katumbas ng pagkalugi sa ekonomiya na
nararanasan ng mga apektadong lugar dahil sa kapabayaan at kawalan ng kakayahan.”


Ito ay kasunod nang isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Energy hinggil sa
blackout na dinanas ng Western Visayas magmula Enero 2-5, nitong taon. Sangkot
ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil nabigo itong agad
ayusin at tugunan ang problema.


“Hindi sulit ang maximum penalty na P50 milyon na ipinapataw ng Energy Regulatory
Commission para sa anumang paglabag sa grid code ng bansa,” ani Gatchalian.
Ayon sa senador, seseryosohin ng NGCP ang mga isyu kung mas mabigat na parusa
ang ipapataw sa anumang paglabag. Ang pinagsamang pagkalugi sa ekonomiya mula
sa pagkawala ng kuryente na natamo ng ng Iloilo Province at Iloilo City ay umabot
daw sa P5.7 bilyon.

BASAHIN  Ease of paying taxes bill, aakit ng dayuhang investors


“Malinaw, wala na ito sa normal na estado dahil nagkaroon na ng kakulangan sa
suplay ng kuryente nang bumagsak ang isang planta ng kuryente pasado alas-12 ng
tanghali noong Enero 2. Tumaas ang demand na lumikha ng imbalance sa grid. Kapag
negative margin ka, siguradong masisira ang grid niyan,” aniya pa.


Sinabi pa ni Gatchalian na kung kumilos kaagad sana ang NGCP, maaaring hindi na
sana nawalan ng kuryente ang buong isla, na sinang-ayunan naman ni ERC Chair
Monalisa Dimalanta.

BASAHIN  Pag-iisyu ng TIN ID cards ng BIR, dapat higpitan - Gatchalian

About Author