33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

Magkapatid, arestado sa mahigit ₱270-K halaga ng shabu sa Quezon City

Aabot sa ₱272,000 na halaga ng iligal na droga ang narekober mulasa magkapatid na tulak sa Quezon City.

Batay sa ulat mula sa tanggapan ni Quezon City Police District Director PBGen. Redrico Maranan, kinilala ang mga suspek na sina Jasmine Cardenas, 46-anyos at Noel Cardenas, 42-anyos, kapwa No. 1 at No. 3 Street Level Individuals, at pawang residente ng Brgy. Sto. Niño, Quezon City.

Batay sa ulat mula sa Galas Police Station, isinagawa ang buy-bust operation bandang 1:40 Biyernes ng madaling araw sa Bagong Buhay St., Brgy. Sto. Niño, matapos makatanggap ng tip ang mga otoridad kaugnay sa iligal na pagtutulak ng droga ng magkapatid.

BASAHIN  Rapist na trike driver laglag sa Antipolo Police

Nakuha mula sa dalawa ang 40 gramo ng shabu na may street value na ₱272,000, gayundin ang dalawang coin purse, isang cellphone, at buy-bust money.

Sa ngayon ay hawak na ng mga otoridad ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

BASAHIN  Nagpanggap na Feng Shui expert na wanted sa pagnanakaw at estafa, arestado

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA