NABIGLA raw si Paolo Contis sa desisyon ng Marikina Court na pumapabor kina Tito, Vic,
at Joey sa paggamit ng titulong “Eat Bulaga”.
Nabigla rin daw si Atty. Maggie Abraham-Garduque, legal counsel ng TAPE, sa naging
desisyon ng korte.
Sa desisyon ng Regional Trial Court (RTC) Branch 273, Marikina City noong Disyembre
22, 2023, na natanggap ng mga abogado nina TVJ nitong Enero 5, pinaboran ng korte
ang kanilang reklamo laban sa TAPE. Dahil dito hindi na pwedeng gamitin ng TAPE at
GMA-7 ang “EB” at “Eat Bulaga,” pati na rin ang jingle ng programang nito.
Idinagdag pa ng korte, na kaagad dapat na ipatupad ang utos nito, kahit na iapela pa
ng TAPE ang desisyon.
Samantala, ipinalit ng TAPE ang titulong “Tahanang Pinakamasaya” (TP).
Ayon kay Contis na okey naman ang kanilang title dahil nais lang nilang magbigay
saya, pati na tulong-pinansiyal sa mga sumusuporta sa kanilang TV show.
Sinabi ni Lino Cali, dating PM ng “Annaluna II” at associate producer ng “Chibugan
Na!”, tila pang-1950’s daw ang titulong “Tahanang Pinakamasaya” — na panahon
nina Rogelio de la Rosa at Carmen Rosales.
Sana magsuot na lang na barong tagalog o camisa de chino sina Contis at baro’t saya
ang girls para maging consistent ito sa title. Sakaling hindi sila mapilit na magsuot nito
araw-araw, mas bagay daw ang titulong “HapiHouse”, may dating sa millenials at may
recall pa, dagdag ni Cali.