33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

MMFF, Tumabo nang mahigit ₱1-Bilyon

“THE MOTHER of all Blockbusters!”


Ito ang maitatawag sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil kumita ito ng
pinakamalaki sa lahat ng edisyon.


Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang 10
pelikulang ipinalabas sa festival ay nakakuha na pinakamalaking gross receipts, kahit
na ipinalabas ito sa mas kakaunting sinehan, kung ikukumpara noong 2018 na
ipinalabas sa 1,200 moviehouses.


Sinabi ni MMFF at MMDA Acting Chair Don Artes na naging matagumpay ang festival
dahil sa mas mataas na kalidad ang mga pelikulang ipinalabas at dahil na rin sa
pagtangkilik ng mga bagong breed ng manonood.


“We received reports that moviegoers watched multiple films while others watched
films repeatedly. Hopefully, we can sustain this beyond the festival so that our film
producers can offer quality movies all year round. We also encourage filmmakers to
create better films for the MMFF’s 50th edition,” ayon kay Artes nitong Martes.

BASAHIN  San Juan Mayor hinamon ang nagpakalat ng 'ayuda scam'


Nagsimula ang 49th MMFF noong Disyembre 25 at dapat natapos na nitong Enero 7,
pero dahil sa patuloy na pagtangkilik ng mga manonood, na-extend pa ito hanggang sa
Enero 14.


Noong Disyembre 30 ang limang top grossers ay ang “Rewind”, “Mallari”,
“Gomburza”, “Firefly” at “A Family of Two”.

BASAHIN  Number coding scheme, suspendido sa Pasko at Bagong Taon

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA