33.4 C
Manila
Wednesday, November 6, 2024

‘Benta-Pal’ scam sa Pasig inihalintulad ni Mayor Vico sa ‘Ponzi scheme’

INIHALINTULAD ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa Ponzi scheme ang nangyaring ‘benta-paluwagan’ o “benta-pal” scam na nangyari kamakailan sa lungsod kung saan posibleng aabot sa ₱1 bilyong piso ang kabuuang halaga na nakulembat ng mga di-umano’y mag-asawang scammer na sina Jester Gendrano at Rouhanie Velasco.

Ayon pa sa alkalde, possible din aniya na aabot sa isang libong Pasigueño ang naging biktima dahil ang ilan ay natatakot pang lumantad sapagkat nag-aalala ang mga ito sa kanilang seguridad.

Ang Ponzi scheme ay isang uri ng investment fraud (may sangkot na panloloko na uri ng pamumuhunan) kung saan babayaran ang bagong investor ng pera na nakulekta sa mga kasalukuyang investor at palalabasin na ang kita ay mula sa investment sa ibat-ibang uri ng negosyo.

Karaniwan nang mas mataas na interes o balik-puhunan ang ipinapangako ng mga scammer, ngunit ang totoo, kumukupit sila ng pera na hindi dapat sa kanila.

Ang Ponzi scheme ay hinango kay Charles Ponzi na nakapanloko ng napakaraming tao noong 1920 kung saan nabuo ang katagang “nakawan mo si Pedro para ibayad kay Juan.”

BASAHIN  Businesswoman na nag-isyu ng talbog na tseke, timbog sa Pasig City

Sa Pilipinas, pamilyar ang mga tao sa salitang paluwagan kung saan naging kalakaran na ito at karaniwang maririnig sa mga usapan ng mga manggagawang Pilipino.

Halibawa, tig-iisang libo ang napagkasunduan ng sampung manggagawa kaya makakatanggap ng ₱9,000 ang isa sa isang itinakdang petsa (karaniwan na bawat sahod) hanggang sa matanggap ng ikasampung kasali ang kaniyang parte at karaniwan na ang nagpasimula ng usapan.

Sa ‘benta-pal’ naman, pupuwedeng ibenta ng isa ang kaniyang naka-iskedyul na “sahod” sa paluwagan at sila na ang bahalang mag-usap sa halagang napagkasunduan.

Matatandaan na Nobyembre ng nakaraang taon ay biglang sumambulat ang isyung ito kung saan sabay-sabay na lumantad ang mga biktima dahil maliban sa hindi na nagpapakita ang mag-asawang di-umano’y scammer mula sa Barangay Sagad, ay hindi na rin sila nakakakuha ng pera na dapat sana ay makukuha nila.

Nangako naman si Mayor Vico na tutulungan ng local na pamahalaan ang mga biktimang Pasigueño at makikipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation (NBI) upang mapadali ang imbestigasyon.

BASAHIN  Sidecar driver nalambat  sa  buy bust

“Pinapapaniwala ng mga scammer na ito na malaki ang balik o tutubo ng malaki ang sinumang mag-invest sa kanilang business sa kabila nang walang produkto ang ipinagmamalaking negosyo,” pahayag ng alkalde.

Nagbigay pa ng paalala si Sotto na maging maingat at palaisip sa anumang papasukang negosyo o uri ng pamumuhunan.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA