Magpapakalat ang Philippine Red Cross (PRC) ng 1,000 volunteers at emergency services vehicles sa prusisyon ng Itim na Nazareno sa Maynila sa Martes, Enero 9.
Binigyang diin ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon, na nakaantabay ang kanilang emergency response unit at emergency medical team para umalalay sa mga sasama sa Traslacion.
Iginiit pa ni Chairman Gordon na hindi maiiwasan ang aksidente sa prusisyon kaya nakaalerto ang kanilang team para magbigay ng agarang lunas.
Maliban dito, maglalagay rin ang PRC ng emergency field hospital malapit sa Kartilya ng Katipunan shrine sa Ermita district, na magpapalakas sa onsite healthcare capacity ng Department of Health (DOH) at ng Manila Disaster and Risk Reduction and Management Office.
Dalawampung karagdagang ambulansya rin ang darating mula sa Central Luzon at CALABARZON para naman sa standby medical services.